2nd Educational Summit, Daan sa World Class University Town
Post date: May 19, 2011 10:27:20 PM
Ginanap ang Ikalawang Education Summit sa pagtutulungan ng City Government of Balanga at Department of Education, Division of City of Balanga sa Lou-is Restaurant, Grand Ballroom noong ika 17-18 ng Setyembre na dinaluhan ng mga Homeroom PTA, General P.T.A. at mga guro. May apat na sesyon sa nasabing summit kung saan nanumpa na rin sa tungkulin ang mga HRPTA, GPTA ng bawat paaralan, maging ang mga opisyales sa Samahan ng mga Guro at ang Federated PTA.
Dumalo ang mahigit animnapung (60) nahirang na officers sa ating paaralan sa ika-apat na sesyon kung saan nagging speaker ang DZAS-702, host ng programang “Memo ni Mommy” na si Dr. Blesilda A. Rios.
Binigyang diin ni Dr. Rios ang napakahalagang papel ng mga magulang upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga anak na ipinagkatiwala ng Diyos sa bawat isang naroroon.
Tinalakay din ang mga programa ng paaralan kung saan may bahagi ang mga magulang tulad ng Parent Learning Support System (PLSS), Teacher-Child Parent Approach (TCPA) at ang Workshop ukol sa SIP (School Improvement Plan) at AIP (Annual Improvement Plan).
Ang pinaka highlight ng nasabing summit ay ang panunumpa ng mga magulang na tutulong at gagawin ang lahat ng makakaya para sa higit na ikatataas ng antas ng kalidad ng edukasyon.
“Ang Education Summit ay isa sa magiging susi sa pagkamit natin ng World Class University Town,” pahayag n gating punong-guro na si Gng. Agnes O. Magdalera.