BCES Hataw sa Read-A-Thon
Post date: May 19, 2011 9:50:27 PM
Nakamit ni Justine Raine S. Roman mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat isa ang 2nd Runner Up sa Oral interpretation (Filipino) sa nakaraang Division Read-A-Thon noong Oktubre 27, 2010 sa Friendship Hall ng Balanga Elementary School. Katunggali niya ang siyam pang mga mag-aaral sa District I at II, at mga kalahaok na Private School sa ating dibisyon.
Ang piyesang kanilang pinaglabanan ay “Apat na Kahilingan,” na masusi niyang pinag-aralan at nilimi ng wasto upang mabigyang katarungan ang nasabing kwento.
Matatandaang 3rd Place si Roman sa District Level na ginanap naman sa Cupang Elementary noong Oktubre 20 sa pagsasanay ng kanyang tagapayo na si Shalie S. Celestial.
“Talagang gusto kong mag-uwi ng karangalan para sa ating paaralan, kaya naman pinagbuti kong talaga ang pag-i-interpret sa kwento,” masiglang pahayag ni Justine raine Roman.
Nanalo rin sa District Read-A-Thon ng 4th Runner Up si Joana Rose Isidro, mag-aaral din sa ikatlong baitang pangkat isa, sa Story Retelling (Filipino) sa pagsasanay din ni Gng. Shalie Celestial. Ang Team Reading naman ng ikalimang baitang na sina Jerico Hipolito, Princess Montalbo at Daisy Ren Icban ay 3rd Runner Up sa pagsasanay naman ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Melinda Duran.