AUDIO-VISUAL ROOM TUGON SA PANGANGAILANGAN NG PAARALAN

Post date: Aug 10, 2011 11:56:22 AM

Isa na namang kapuri-puri at kapaki-pakinabang na proyekto ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga sa pangunguna n gating butihing mayor Joet Garcia sa ating paaralan, ito ay ang pagtatayo ng Audio-Visual Room na matatagpuan sa first floor ng Logo Find Bldg. n gating paaralan.

Ang ating AVR ay isang napakalaking instrument sa ganap na pagkatuto n gating mga mag-aaral. Dito kanilang matutunghayan ang mga aralin at lubos na mauunawaan ito.

Hindi lamang ang mga mag-aaral ang makikinabang sa pagkakaroon natin ng AVR maging ang mga magulang.

Sabi nga ni Mayor, “Habang kayong mga magulang ay naghihintay sa pag-uwi ng inyong mga anak, sa halip na magkwentuhan pumunta kayo sa AVR at manood ng mga kapaki-pakinabang na panoorin kung saan mayroon kayong matutunan upang inyong magamit sa ikauunlad ng buhay.”

“Ang pagtatayo ng AVR ay isang paraan din ng pagtitipid sa kuryente. Paano? Sa halip na sa bawat classroom ay may TV at DVD dito na lahat manonood,” dagdag naman ng ating Assistant to the Office of the ASDS na si Dr. Leonardo Zapanta.

Walang duda na ang edukasyon ang pokus ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Joet Garcia.