Pagbabago tungo sa pagkatuto, kaayusan at kalinisan
Post date: Nov 26, 2013 1:38:26 PM
Kahit saan ka tumingin tunay na mapapahanga ka sa mga makikita mo sa paligid ng ating paaralan. Napakaraming pagbabago na lubos na nagpaganda sa ating paaralan.////Meron na tayong English at Filipino Park na sa pagpasok pa lamang ng paaralan ay makikita mo ang layunin sa pagtuturo ng mga ito. Nariyan din ang Mini Math Park na ang konsepto naman ng Matematika ang nakapinta. Gayundin ang Science Park na nagpagawang maging kaaya-aya ang nasabing asignatura. Sa pamamagitan ng mga ito naging kasiya-siya sa mga mag-aaral ang pagkatuto ng mga nasabing asignatura.
Isa rin sa naipagawa ay ang ating Toothbrushing Area na naging tugon ng paaralan sa isa sa pangunahing concern ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong taon upang mapabuti ang oral hygiene ng mga mag-aaral.
Nauna na rito ang pagkakaroon natin ng Handwashing Area na malapit sa ating kantina upang makaugalian ang paghuhugas ng kamay bago at matapos kumain.
Ang lahat ng ito ay naging posible sa mapunyaging pangunguna ng ating punung-guro na si Bb. Ellen C. Macaraeg. “Wala akong nais kundi ang kabutihan ng ating mga mag-aaral. Kaya’t lahat kayo’y umasa na lalo pa nating pagbubutihin ang mga paglilingkod na ibibigay ng paaralan,” wika pa ni Bb.Macaraeg.
“Hinihiling ko lang na ating alagaan at gamitin nang wasto ang mga nasabing lugar. At inaasahan naming kayo ay magmamalasakit,” pagwawakas pa ng ating punung-guro.