NAT pinaghandaan sa BCES
Post date: Nov 26, 2013 2:0:39 PM
Ginanap ang National Achievement Test para sa mag-aaral ng ikaanim na baitang sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas noong ika-13 ng Marso.
May 77 mag-aaral mula sa VI-Earth at VI-Mercury sa Bo. Central Elementary School ang nanguha ng nasabing pagsusulit.
Ito ang pangunahing batayan upang sukatin ang pag-unlad ng paaralan sa larangan ng academics.
Nauna na rito ay ang puspusang pagrereview ng mga mag-aaral sa araw-araw makaraan ang oras ng klase sa pangunguna ng mga guro sa ikaanim at ikalimang baitang.
“Sana’y pagbutihin ninyo ang NAT, dahil dito malalaman kung gaano kayo natuto sa elementarya,” paalala pa ng ating punung-guro sa mga mag-aaral.