"Inculcate the love and passion for reading," Bb. Ellen C. Macaraeg
Post date: Dec 29, 2011 10:28:9 AM
Isinagawa sa Paaralang Elementarya ng Bo. Central ang programang DEAR o Drop Everything and Read kung saan sabay-sabay na nagbasa/nagbahagi ng kuwento ang mga mag-aaral at guro noong ika 25 ng Nobyembre sa ganap na ikawalo ng umaga.
Layunin ng nasabing programa ang mapukaw sa bawat mag-aaral ang pagmamahal at pagbibigay halaga sa pagbasa.
Sa mga kindergarten hanggang sa ikatlong baitang ay nagkaroon ng pagkukwento ang mga guro kung saan nasiyahan ang mga mag-aaral sa ibinahagi ng kanilang guro. Patunay na rito ang paghiling pa nila na muling magkwento ang guro.
Matapos ang pagkwento ay nagkaroon ng mga tanong ukol sa binasa na sinagot ng mga mag -aaral.
Ang mga mag-aaral naman sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay nagkaroon ng shared reading, kung saan ibinahagi ng bawat isa ang kanyang nabasa sa kaklase at nagkaroon din ng discussion ukol sa kanilang nabasa.
“Let us inculcate the love and passion for reading among our learners,” bilin pa ni Bb. Ellen Macaraeg sa mga guro bago ganapin ang project DEAR. “Because the best way to learn about things around is through reading,” pagwawakas pa niya.
Ang Project DEAR ay taunang isinasagawa sa Bo. Central Elementary School.