August Convocation '13
Post date: Nov 26, 2013 6:59:34 AM
Isa sa mga bagay na maipagmamalaki ng ating bansa ay ang napakayaman nating kultura. Kabilang dito ang ibat-ibang wika na mayroon tayo tulad ng Tagalog, Cebuano, Kapampangan, Ilokano, Bikolano, Hiligaynon at marami pang iba. Bukod dito biniyayaan din tayong mga Pilipno ng magaganda at katutubong ugali o asal. Ito ay nagsisilbing tatak ng ating lahi. Ngunit gaano man karami ang ating wikang binibigkas may iisang wika na nagbubuklod sa ating lahat, ang “Wikang Filipino”.
Ipinagdiwang ng Bo. Central Elementary School ang “Buwan ng Wika” noong Agosto 30, 2013 sa ganap na ika-walo ng umaga. Sa patnubay ng mga guro ay naidaos ng matagumpay ang programa at naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga inihandang bilang nang buong husay at galing.
Ilan sa mga tampok na bilang ng mga bata ay ang pagtula, pagsayaw at pag-awit na nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at pagiging isang tunay na Pilipino.
Ang nabanggit na pagdiriwang ay nagsilbing inspirasyon at nagmulat sa isipan ng mga kabataan upang lalo pa nilang mahalin at pahalagahan ang ating sariling wika.