BALIK-TANAW SA GABI NG BO. CENTRAL E/S
Post date: Aug 10, 2011 12:0:16 PM
Ginanap ang ikatlong Gabi ng Bo. Central Elementary School bilang bahagi ng Kapistahan ng Sto. Niño 2011 noong ika-13 ng Enero na may temang Best Yester-Years sa Liwasan ng Barangay. Tinampukan ito ng pagbabalik-tanaw sa mga awitin at tugtugin na nagging sikat at tunay na nagpaindak sa lahat ng ating mga ka-barangay.
Unang napanood ang mga Pre-Elem na nagpakitang gilas sa mga sayaw na sumikat noong 1960’s. tunay na naaliw ang lahat dahil sa galing ng ating mga munting mag-aaral sa pagsayaw ng makalumang tugtugin.
Ang dekada-70 naman ay pinagbalikang-tanaw sa pamamagitan ng mga mag-aaral ng unang baitang. Ang 80’s naman ay binigyang buhay ng mga Grade II at Grade III pupils. Ang dekada 90 naman ay kinatampukan ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang.
Hindi syempre kumpleto ang pagdiriwang kung hindi ipapakita ang mga uso at sikat na tugtugin ng Y2k na bigay todong isinayaw ng mga mag-aaral sa ikalima at ikaanim na baitang.
“Ang pakikibahagi ng paaralan sa taunang pagdiriwang ng piyesta ay isa lamang sa mga paraan upang aming maipakita ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay sa patuloy at walang sawa ninyong pagsuporta sa mga proyekto ng paraalan,” puno ng galak na wika ng ating punung-guro na si Gng. Agnes O. Magdalera.
Naging unang bahagi ng palatuntunan ang pagpapakitang gilas ng bagong tatag na Drum & Lyre Corps ng ating paaralan.