BCES, Pilot School ng 2010 National Simultaneous Earthquake Drill
Post date: May 19, 2011 9:43:49 AM
Nagsilbing pilot school ang Bo. Central Elementary School, sa 2nd Quarter 2010 National Simultaneous Earthquake Drill sa Division of City of Balanga na ginanap noong ika- 18 ng Hunyo 2010 taong kasalukuyan.
Pinangunahan ito ng OIC-CDOC Engr. Dennis B. Mariano, Operation Officer, Mr. Dominic B. Doplon at ng City Rescue Medic Team.
Nauna na rito ang pagtuturo sa simple subalit life-saving tip na “Duck Cover and Hold.” Maging ang mga wasto at di-wastong kilos habang at pagkatapos ng ganitong sakuna.
Matapos ang earthquake drill nagkaroon ng debriefing at evaluation kung saan pinapurihan ang paaralan sa kahandaan nito sa ganitong uri ng sakuna at iniwasto naman ang mga pagkukulang.
Naging pangunahing panauhin ang ating OIC-ASDS na si G. Jessie D. Ferrer na nasiyahan sa ipinakitang gilas ng School Disaster Management Committee.
Sinundan naman ito ng Fire Drill sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection kung saan ipinakita nila ang wastong paghawak ng Fire Extinguisher sa mga mag-aaral at guro.
Layunin ng earthquake at fire drill ang wastong kaalaman ng bawat isa kung sakaling dumating ang ganitong sakuna.
“Ngayon ang bawat isa sa atin ay mayroon ng sapat na kamalayan, at higit sa lahat kasanayan sa mga ganitong uri ng sakuna,” ang wika n gating punong-guro na si Gng. Agnes O. Magdalera.