Mga guro muling namulat sa kanilang tungkulin at pananagutan
Post date: Nov 26, 2013 1:48:10 PM
Ginanap ang One Day Seminar on Redefining the Role of Teachers, Teaching as a Multifaceted Profession sa Diocesan Shrine of the Divine Mercy Hall sa Lungsod ng Balanga noong ika-1 ng Pebrero na dinaluhan ng mga guro.Pangunahing tagapagsalita si Dr. Corazon Aguilar David na tinalakay ang Child AVEDOV o Abuse, Violence, Exploitation, Discrimination and Other Forms of Abuse. Binigyang diin niya na ‘wag kalimutan ng guro ang Legal Bases ng DEPED Memorandum 40 na nakasaad sa 1987 Phil. Constitution Article XIV kung saan nakalahad ang karapatan ng mga bata. “Dapat nating alalahanin na ang kabutihan ng mga bata ang ating prayoridad. Tingnan sila tulad sa isang tunay na anak,” pagdidiin pa niya.
Isa rin sa speaker ay si Dr. Emmanuel C. Macaraeg na University Board Secretary ng Bataan Peninsula State University na tumatak sa mga guro ang salitang kanyang iniwan respeto, pag-unawa at pagtanggap sa bawat isa.
Ang nasabing seminar ay naging posible sa pangunguna ng ating punung-guro na si Bb. Ellen C. Macaraeg.