Si Maranan at ang Bataan Football Club
Post date: Nov 26, 2013 2:15:59 PM
Di maitatanggi ang pagsikat ng larong football sa ating bansa. Bata man o matanda ay nahuhumaling na sa larong ito. Sinasabing ito ang nararapat na larong ating pagbutihin dahil dito’y di kailangan ang pagiging matangkad basta maliksi kumilos at may wastong kaalaman ukol sa larong ito.
Ang Bataan Football Club ay nabuo noong Disyembre 29, 2012, na binubuo ng mga batang lalaking nasa ilalim ng pagsasanay ng kanilang coach na si G. Roger Alegre.
Isa na nga dito ay ang ating mag-aaral na nasa ikatlong baitang na si Emmanuel Maranan na napili ng kanila mismong tagapagsanay. Sila ay lumalaban sa mga National Competition.
Nito ngang Mayo 5 sila ay naging 4th Placer sa Coca-Cola Cup.
Naging opisyal na Football team ng ating lungsod ang BFC noong Mayo 27, ng kanilang iturn over ang tropeyo sa ating Punung Lungsod na si Mayor Joet Garcia.
Sa kasalukuyan ay patuloy silang sumasali sa mga kompetitisyon na tunay na humahasa sa galing ng mga batang miyembro nito.