BCES Kindergarten, hataw sa Festival of Talents
Post date: Nov 27, 2013 3:59:49 AM
Hindi nagpahuli sa pagpapakita ng galing ang ating mga Kindergarten makaraang manalo sila sa Kindergarten Festival of Talents Division Level noong nakaraang Oktubre 30 sa Balanga Elementary School.Naiuwi ni Dwen Airoh España ang 2nd Place sa Drawing at 3rd Place naman sa Creative Dance ang ating mga Kindergarten dancers na sina Aldrin Lorenz Escudero, James Esmeriz, Dorrel Francisco, Glenn Jairus Mena, carl Anthony Cruz, Dominick Icban, Alyana Sophia Escudero, Keannah Ayesha Javier, Claire Allyson Javier, Cherish Mae Felipe, Julia Venise Espiritu at Zyrelle Nuestro.
Buong husay na iginuhil ni Dwen ang kanyang drawing na nagpahanga nang husto sa mga hurado habang bibung-bibo namang ipinakita ng ating mga mananayaw sa kasiyahan ng lahat ng naroon.
“Nakatutuwang tingnan ang mga bata habang sila ay sumasayaw, kitang-kita mo na gusting-gusto nila ang kanilang ginagawa at si Dwen Airoh ay napakahusay gumuhit sa kanyang murang edad,” napakasayang pahayag ng ating punung-guro na si G. Ramil R. Cubales.
“Nakatutuwa na sunud-sunod ang pagwawagi ng ating mga mag-aaral sa paligsahan. Ipinapakita lamang nito ang sigasig ng ating mga gurong tagapagsanay at suporta naman ng mga magulang,” dugtong npa ni Sir Cubales.
“Dumuble naman ang saya ko ng ang District II (tayo) ang tanghaling Over-All Champion sa paligsahang ito,” pagwawakas pa ni Sir Cubales.
Sina Gng. Amalia D. Mananquil at Gng. Ruby V. Tirao ang tagapagsanay ng ating mga bulilit.