Mga Guro; Sama-sama, Salu-salo sa Teacher's Day Celebration
Post date: Dec 29, 2011 10:14:16 AM
Ipinagdiwang ng mga guro sa ikalawang distrito ng Dibisyon ng Lungsod ng Balanga sa pangunguna ng ating Public Schools District Supervisor (PSDS) na si Gng. Jeanette L. Andales ang World Teachers’ Day Celebration noong Oktubre 1, 2011 sa Morong Star Beach Resort sa Morong Bataan.
Bagamat medyo masama ang panahon, hindi pa rin ito naging hadlang upang mag-enjoy ang mga guro sa mga palaro tulad ng agawang panyo, at tag of war.
Nagkaroon ng paligsahan sa pagkanta, kung saan inilabas ng mga guro ang isa pa nilang talento at maging ang pagsayaw na nagbigay ng lubos na ligaya at aliw sa lahat ng mga iyon.
Nagbigay din ng napaka-makahulugang mensahe ang dating guro at ngayo’y City Administrator na si G. Rudy de Mesa para sa lahat ng mga gurong maroroon.
Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng papel ng guro sa buhay ng isang mag-aaral. At sana’y palaging magsikhay ang guro upang mahubog ang bawat isang bata na maging mabuting mamamayan.
Naghandog naman ng dalawang litson ang ating butihing punung-lungsod na si Kgg. Joet Garcia na pinaghati-hatian ng bawat isa.
Animo’y boddle fight ang naganap na salu-salo ng tanghalian kung saan isang mahabang mesa ang inayos at doon inilatag lahat ng pagkain ng bawat paaralan na pinagsaluhan ng lahat.
Sinimulan ang nasabing affair sa pamamagitan ng isang banal na misa sa pangunguna ni Fr. Gerry Jorge.