EARLY ENROLMENT PARA SA KINDER AT GRADE I MATAGUMPAY
Post date: Aug 10, 2011 11:51:30 AM
Bilang tugon sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon na Education For All, nagkaroon ng Early Enrolment para sa mga magiging Kindergarten, Grade I at First Year sa buong bansa, sa mga Sabado ng Enero.
Dito sa atin sa Bo. Central Elementary School ay masasabing naging matagumpay ang nasabing early enrolment dahil napakaraming mga magulang ang positibong tumugon sa programang ito.
Lahat halos ng Sabado ay marami ang nagpatalang mga magulang sa kanilang mga anak. Bago pa nito ay nagkaroon din ng information dissemination sa ating barangay.
“Tunay na ang edukasyon ang tugon sa kahirapan. Nakatutuwa na ang mga magulang ang desididong patuntungin sa paaralan ang kanilang mga anak,” pahayag ng ating punung-guro na si Gng. Agnes O. Magdalera.
“Umabot sa 90 ang nagpatala para sa unang baitang at kulang 70 naman para sa kindergarten. Malamang mas lalong dadami ang mag-aaral sa ating paaralan,” dagdag pa ni Gng. Agnes O. Magdalera.
“Nawa’y di lamang sa pagtatala ipakita ng mga magulang ang suporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Higit nilang kailangan ang gabay kung sila ay nagsisimula ng pumasok sa paaralan,” mahamong pagwawakas ni Gng. Agnes O. Magdalera.
Si Gng. Amelia Manquil ang naatasang maging gurong nagtatala sa mga incoming Kindergarten at Grade I.