SBM Evaluation sa BCES sa BES pinaghandaan
Post date: Nov 27, 2013 3:8:34 AM
Nasiyahan ang mga EPS na sina Dr. Merlinda C. Dominguez, EPS-I sa Mathematics, Division SBM Coordinator, Dr. Flordeliza Del Rosario, EPS-I sa Science and Health, Dr. Corazon T. Lopez, EPS-I sa Filipino, Yolanda V. Pruna, EPS-I sa Araling Panlipunan, Dr. Romy S. Bascara, EPS-I sa EPP ng kanilang bisitahin ang ating School Based Management Documents nitong Nobyembre 13 sa Audio Visual Room ng ating paaralan.
Masusing binusisi ng ating mga Education Program Supervisor ang mga dokumentong may kaugnayan sa pamamalakad at pamamahala ng ating paaralan. Hindi rin sila nag-atubiling pumuri sa mga kasiya-siyang mga gawain ng ating paaralan.
Habang binibigyan ng suggestions ang mga gurong namahala sa bawat Dimensions ay mayroong Power Point Presentation na pinanood sa ating mga panauhin kung saan ipinakita ang mga activities ng Paaralan sa loob ng halos tatlong taon na pinagpagurang buuin ng Master Teacher at ICT Coordinator na si Bb. Roxanne Rueda.
“Dito lamang sa Bo. Central Elementary School may nakalagom na mga Gawain at accomplishment ng paaralan na ipinakita sa paraang Video Presentation,” nasisiyahang wika ni Dr. Corazon T. Lopez, EPS-I sa Filipino at atin ding Area Supervisor.
“Sana ang aming ibinigay na mungkahi at paalala ay inyong gawin at pag-ukulan ng pansin. Sama-sama tayong itaas ang antas ng mga pampublikong paaralan sa Division of City of Balanga,” pagtatapos naman ni Dr. Merlinda C. Dominguez, EPS-I sa Mathematics at atin ding Division SBM Coordinator.