PAGUIO, Waging SPG President
Post date: Nov 28, 2012 2:33:37 AM
Nagwaging pangulo ng Supreme Pupil Government na maglilingkod taong panunuran 2012-2013 si Reymar Lowie Paguio, mag-aaral ng V-1 sa eleksyon na ginanap noong Pebrero 23, 2012, sa mga mag-aaral ng ikatlo hanggang ikalimang baitang.
Naging mahigpit ang labanan nila ng kanyang katunggali na si Llloyd Dexter Briz dahil tatlong boto lamang ang kanyang lamang dito. 95 ang nakuhang boto ng bagong pangulo samantalang 92 naman si Briz.
Nauna na rito ang kanilang puspusang pangangampanya sa mga mag-aaral upang sila ang iboto. Sari-saring gimik at pakulo ang kanilang ginawa upang pangalan nila ang ilagay sa balota.
“Maraming salamat sa inyong pagtitiwala, asahan ninyong ‘di ko kayo bibiguin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makatulong sa pagpapa-unlad ng ating paaralan, kasama ang aking kapwa officers.” masiglang pahayag ng bagong pangulo ng SPG.
Inaasahang magkakaroon ng magandang proyekto ang SPG 2012-2013 dahil ang nasundang pamunuan ay nakapagpagawa ng myural dahil sa kanilang proyekto.
Ang SPG ay nasa paggabay ni Gng. Alita E. Dayrit. Narito ang listahan ng mga bagong opisyales ng SPG. President-Reymar Lowie Paguio, Vice President-Charlyn Lisondra, Secretary- Joana Rose Isidro-Treasurer-Clarisse Siongco, Auditor-Jhoseph Mendoza, P.I.O.-Monica Lynmar Magdalera, Chewee Deane Mendez, P.O.- Mary Jane Adan, Ezra Karl Ezekielle Bada