Pasko sa BCES, naging makahulugan
Post date: Nov 28, 2012 2:37:48 AM
Masiglang ipinagdiwang ng mga mag-aaral sa Bo. Central Elementary School ang pagsilang ng ating manunubos na si Hesukristo noong ika-19 ng Disyembre sa liwasan ng ating paaralan.
Muli na naman nilang naramdaman na ang Pasko ay para sa mga bata dahil sa mga palaro na higit na nagpasaya sa okasyon. Naghandog din ang bawat baitang ng kani-kanilang natatanging bilang na ikinatuwa naman ng mga nanood na mga magulang.
Ipinakita naman ng mga guro ang tunay na diwa ng Pasko nang maghandog sila ng mga espesyal na regalo sa mga karapat-dapat na pamilya ng ating mga mag-aaral. regalo sa mga karapat-dapat na pamilya ng ating mga mag-aaral.
“Maraming maraming salamat po, ma’am, di po namin ito makakalimutan,” wika pa ni Gng. Lasim, isa sa nahandugan.
“Asahan po ninyong ‘di kami magsasawang suportahan ang paaralan higit sa lahat subaybayan ang pag-aaral ng aming mga anak,” pagtatapos pa niya.