Teacher’s Day Celebration, pagbibigay pugay sa bayani ng bayan
Post date: May 19, 2011 9:52:14 AM
Nagkaroon ng pangkalahatang pagdiriwang ang mga guro pampubliko man o pribado sa Dibisyon ng Lungsod ng Balanga noong Oktubre 5, 2010 sa La Vista Inland Resort bilang paggunita sa “World Teacher’s Day” na may temang “My Teacher……..My Hero.” Pansumandaling iniwan ng mga guro ang kanilang classroom upang magdiwang at magsama-sama sa araw na iyon.
Ipinakita ng mga guro ang kanilang talent sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte. Nagkaroon din ng mga palaro na buong isport na nilahukan ng bawat isa.
Hindi lamang mga guro ang nagpakitang gilas, maging ang mga punong-guro ay naghandog ng espesyal na sayaw na lubos na ikinasiya ng lahat.
Maging an gating mga supervisor at higit sa lahat ang Ama ng ating dibisyon na si G. Jessie D. Ferrer ay ipinakita rin ang galing sa pagsayaw.
Naging panauhing pandangal an gating Gobernador Enrique “Tet” Garcia Jr. na patuloy na pinahahalagahan ang kabayanihan ng mga guro sa ating lalawigan.
Pinarangalan din ang mga natatanging guro kabilang na an gating guro na si Gng. Ana Maria I. Garcia dahil sa patuloy nilang pagpupunyagi sa pagtuturo.
Naging unang bahagi ng nasabing palatuntunan ang pagdiriwang ng banal na misa na pinangunahan ng ating Obispo sa Diyoses ng Balanga na si Bishop Ruperto Santos kasama ang pari na laging kasama ng mga guro tuwing magkakaroon ng First Mass sa paaralan si Father Lides Pomer.