October Convocation '13
Post date: Nov 26, 2013 10:36:14 AM
Ang United Nations ay isang internasyonal na organisasyong itinatag noong 1945 pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Layunin ng 51 bansang nagtatag nito ang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa gitna ng mga kasaping bansa, itaguyod ang magandang relasyon upang isulong ang kaunlaran, at upang magkaroon ng mas mabisang pamantayan sa pamumuhay at karapatang pantao. Higit na kilala ang United Nations para sa mga hakbang nito para sa pananatili ng kapayapaan ngunit mayroon ring iba’t-ibang ahensya at programa ang UN upang mapabuti ang mga buhay ng mga mamamayan sa lahat ng mga bansa sa mundo. Isinusulong ng organisasyon ang pagtataguyod ng proteksyon para sa kalikasan, pagbibigay ng tulong sa mga sinalanta ng sakuna at kalamidad at pagtataguyod ng kalayaan at karapatang pantao. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng United Nations ang Paaralang Elementarya ng Bo. Central ay nagdaos ng isang simple at makabuluhang pagdiriwang ang aming palatuntunan ay pinamagatang “Ms. United Nations 2013”