Edukasyon at Kalusugan, Magkaugnay
Post date: Nov 28, 2012 1:34:23 AM
Nagdaos ng isang School Echo-Seminar on Bridging the Gaps in Health education Through Integrated School Health and Nutrition Program ang Bo. Central Elementary School noong ika -6 ng Marso sa pangunguna ni Gng. Gay G. Caparaz na ating Health Coordinator.
Nagsilbing “eye-opener” sa mga guro ang naturang seminar sa kahalagahan nang pagkakaroon ng malinis na tubig, palikuran at wastong pangangalaga sa sarili (personal hygiene) ng mga mag-aaral upang maging handa sa pag-aaral batay sa datos na nakuha ng DOH at DepEd sa kaugnayan ng kalusugan at edukasyon
Binigyang diin din sa nabanggit na SLAC ang importansya ng oral hygiene sa mga mag-aaral. Kaya ninanais ng ating Dibisyon na maglaan ng oras ng pagsesepilyo ng ngipin ang mga bata sa bawat klase.
“Tunay na di mapaghiwalay ang edukasyon at kalinisan, ang bawat isa ay konektado sa isa. Kaya nararapat lamang na atin ding ituro ang pangangalaga sa katawan sa ating mga mag-aaral,” hamon ni Gng. Caparaz sa mga guro ng BCES.