School Supplies, Ipinamahagi sa Lahat ng Mag-aaral ng BCES
Post date: Dec 29, 2011 7:41:32 AM
“Batid namin ang hirap ng buhay sa ngayon kaya aming ibinibigay ang lahat ng aming makakaya upang lahat ng kabataan ay makatuntong sa paaralan, kaya aming handog ang mga school-supplies na ito upang kung sinuman sa inyo ang may kakulangan ay mapunan at masigurong lahat ng mga bata ay dapat na nasa paaralan,” pahayag pa ng butihing punung-lungsod.
Matatandaang taun-taon ay wala nang binabayaran sa pagpasok sa paaralan ang mga mag-aaral sa ating lungsod dahil ang ating pamahalaang lungsod ay naghahandog ng subsidy sa lahat ng paaralan.
“Kasama ng aking amang si Gov. Tet at kapatid na si Cong. Abet, alam namin na kayong mga kabataang mag-aaral ang may napakalaking papel upang ating makamit ang ating mithiing “World Class University Town” sa taong 2020. Inaasahan naming kayo ay magsisikap at patuloy na magsisikhay sa pag-aaral. Iyon lamang ang aming hinihinging kapalit- MAG-ARAL KAYONG MABUTI, pagtatapos pa ni Mayor Joet Garcia.
Positibo namang sumagot ang lahat ng mag-aaral at nangakong pagbubutihin ang kanilang pag-aaral.
Naghandog ng school supplies sa lahat ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa ating lalawigan ang 3G ng Bataan na sina Gov. Tet Garcia, Cong. Abet Garcia at Mayor Joet Garcia noong buwan ng Hulyo.Dito sa Bo. Central Elementary School ang lahat ng mga mag-aaral na may bilang na 501 ay nabigyan ng mga notebooks at lapis at ballpen.
Ang mga kindergarten hanggang ikatlong baitang ay nabigyan ng anim na pirasong notebook at lapis. Samantalang ang mga mag-aaral sa baitang apat hanggang ikaanim ay nagkaroon ng walong notebook at ballpen.
Personal itong ipinamigay ni Mayor Joet Garcia noong ika-15 ng Agosto kasama ang mga konsehal ng Lungsod na si Val Joseph Fernandez na nakatalaga sa edukasyon, ang ating PSDS sa District II na si Gng. Jeanette L. Andales, ang ating kapitan na si Kgg. Ronald N. Caparaz at ilang konsehal ng barangay.