Meet the Principal
Spouse Name : Alberto Ramos Jr
Name : Rufina E. Ramos Date of Birth : September 03, 1969
Place of Birth : Surigao, Del Norte
Civil Status : Married
Address : Sta. Rosa, Pilar, Bataan
Dr. Rufina E. Ramos: Karunungan, Determinasyon at
Kasipagan Daan sa Pagkamit ng Tagumpay
Sadyang mapalad ang Paaralang Elementarya ng Bo. Central dahil ang itinilagang bagong punung-guro matapos ang mahigit isang buwang paghihintay ay ang ginawaran ng “Most Outstanding School Head” ng Schools Division of City of Balanga.
Kilala siyang masipag, laging maaasahan at tunay na laging positibo ang pananaw sa buhay.
Una at higit sa lahat sa listahan ng kanyang proyekto ay kapakanan ng mga mag-aaral. Isa siyang ‘ reading advocate’ at tunay na naniniwala na ‘Nasa Pagbasa ang Pag-asa.’
Personal nating kilalanin ang ating butihing punung-guro.
Una niyang nasilayan ang ganda ng mundo noong ika-3 ng Setyembre 1969 (50 years old na pala s’ya,subalit hindi halata). Siya ay ipinanganak sa Surigao, Del Norte. Dahil ang kanyang mahal na ina ay isang guro, kumuha s’ya ng kursong Bachelor in Elementary Education sa Tomas Del Rosario College.
Dahil sadyang masipag at masigasig nagtapos din siya ng kanyang Masters Degree sa Bataan Peninsula State University (BPSU) Major in Educational Management at ‘di naglaon ay nagtapos ng Doctor of Education Major in Educational Leadership sa National Teachers’ College.
Sadyang napahanga ako ni Ma’am sa angking kasipagan at determinasyon!
Isa na ngang lola ang ating mala beauty queen na leader dahil mayroon na siyang 3 apo (gaya ng sabi ko, young looking siya, dala marahil ng positibo niyang pagtingin sa buhay). Ang kanyang butihing asawa ay si G. Alberto Ramos Jr. na napaka supportive sa lahat ng kanyang mga mithiin sa tahanan man o sa kanyang tungkulin.
Siya ay nakilalang napakahusay na guro sa Grade 1 sa Balanga Elementary School at ‘di nga naglaon ay naging isang punung-guro sa Dibisyon ng Lungsod ng Balanga.
Masasabing siya ang naglagay sa ating dibisyon sa mapa sa larangan ng Brigada Eskwela dahil sa natamong karangalan ng Tortugas Elementary School makaraang hirangin ang paaralan na 3rd Place Best Brigada Eskwela Implementer sa Regional Level noong taong 2017.
Nagmarka rin ang ating punung-guro sa School- Based Management dahil sa komprehensibong pagbuo ng mga dokumento sa bawat principles ng nabanggit na paaralan, na naging daan muli sa pagkilala ng ating dibisyon.
‘Grace under pressure,’ isa rin ito sa kanyang natatanging ugali. “ Naniniwala ako na ang mga pressure ay andiyan para lalo tayong magpursige upang maging produktibo. Subalit may mga panahon pa rin na ako ay na i stress subalit natutunan ko na balansehin ang mga gawain at time management lamang ang susi para magawa ang iba't-ibang gawain,” wika niya.
“ Ang aking sekreto? Mayroon akong ‘To Do List’ para matapos ang lahat ng gawain.”
Naniniwala din siya na walang isang taong nakakaalam ng lahat ng bagay at ang bawat isa ay may maibabahagi sa ikauunlad ng paaralan.
Isa na siguro siya kung hindi man siya na talaga ang pinakamasipag na taong nakilala ko. Hindi ko siya nakitang walang ginagawa kung siya ay nasa paaralan. Isa siyang ulirang huwaran upang makamit ang minimithi sa buhay.
Ang akin pong inilarawan at ipinakilala ay walang iba kundi ang taong laging naghahangad ng BEST sa bawat larangan dahil ang kanyang ibinibigay ay ang kanyang BEST- DR. RUFINA ELUDO RAMOS.